Hugpong, dadayain lang | Bandera

Hugpong, dadayain lang

Lito Bautista - August 17, 2018 - 12:10 AM

ANG nakapalibot na liwanag nama’y parang bahaghari sa ulap pagkaraan ng pag-ulan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Ez 1:2-5, 24-28; Sal 148:1-2, 11-14; Mt 17:22-27) sa Lunes sa ika-19 ng linggo ng taon, paggunita kina San Ponciano (papa) at San Hipolito (pari).

Marahil ay nakakita ng liwanag at bahaghari (rainbow coalition, kay JDV) ang malalaking politiko para lumipad at dumapo sa Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Inday Sara. Pero kampante’t matigas ang Liberal ni Aquino at mga rebelde dahil hawak pa rin nila ang susi ng pandaraya sa susunod na eleksyon, hangga’t nasa labas si Andy at nasa loob ang mga galamay sa Comelec.

Mindanaoan nga ang chairman pero hindi niya alam ang sayaw ng Automated Electoral System. Masidhi para isantabi sina Gus Lagman, Glen Chong at Al Vitangcol. Di ba’t napakatalino ni Aquino dahil hanggang SC ay may bata siya? Pag hindi bumaba ng tsubibo ni Inday at kumilos ang mga politiko, ang akala nilang halalan ay magiging hangalan. Madadaya at matatalo lang sila.

Bakit walang nahuhuling hackers? Sila ang humaharang, nagbabago at nagpapadala ng altered data sa Comelec servers. Bilib ako sa matatalinong senior students ng dalawang tanyag na IT schools. Alam na nila kung paano dadayain ang Hugpong at PDP-Laban sa susunod na eleksyon dahil ang kanilang kakayahan ay minaliit ng malalaki. Makababalik ang mga tuwad sa tuwid na daan.

May mga zombie na ng shabu sa Barangay Bagong Silang, North Caloocan. Sila yung nilusaw na ang utak ng shabu, kawawa namang patayin dahil wala nang lakas at ayaw nang hulihin ng mga pulis dahil walang kaso kontra buhay na patay. Tutukan man ng baril ay sisilipin pa ang bariles.
Tutukan man ng patalim ay pupunasan pa ang 29. Bagaman basura na, hindi naman sila itinuturing na pabigat ng anim na parokya sa pinakalamalaking barangay sa Pinas.

Pami-pamilya’t pinagpagurang mga ari-arian sa Metro Manila ang sinasalanta ng normal na masamang panahon sa Southeast Asia, lalo sa Pinas.

Hindi na kayang sipsipin ng nabasang lupa ang methane gas sa atmosphere at magpapatuloy ang makakapal na ulap sa kalangitan. Ang kalamidad, likas man o kagagawan ng tao, ay ginugutom ang arawang obrero at kanyang pamilya. Sa Horatio Imperata, inihihingi ng kapatawaran ang paglapastangan ng tao sa kalikasan. Sa Genesis 6:5, nakita ni Yawe ang kalapastanganan ng tao kaya pinarusahan sila ng malawak at matagal na baha. Nawa’y may liwanag at bahaghari na bumaba sa mga lapastangan. Magdasal at magsisi.

Nagsasabi ba ng totoo si Drew Olivar nang ipagyabang niya na mayaman siya? Hindi siya inilagay ng BIR sa radar. Sa tatlong gay bar-spa sa QC, search na siya ng macho men na may dignidad kahit hubad sa P2,000 kita pagsapit ng alas-4 ng umaga, puwera ang “house blessing.” O baka naman nasa isip lang ni Olivar ang Sex Bomb Dancers (May Bilog na Hugis Itlog) na ginamit bago mag-eleksyon?

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Gugo, Calumpit, Bulacan): Alta presyon sa seniors ang walang tigil na ulan at baha. Mayaman at mahirap, binabaha, nagkakasakit (di turan ang A-B, bagaman ang mayayaman sa Bulacan ay “nagdadamit sako.” Sinong mag-aakala na si Xedes ay milyonarya?). Ang pagdurusa, tulad ng baha, ay para sa lahat, mabait man o masama. Tila di na matatagalan ng seniors ang pagtitiis sa malalim na baha. Lumipat na sa Garay at DRT.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Tulay na Bato, Paombong, Bulacan): Naka-uumay na raw ang pagdarasal. Pero hindi kapag tag-ulan, habagat at bagyo.
Maraming relihiyon at sekta ang dumagsa sa Paombong. Pero, sa 14 na barangay, walo ang ipinangalan sa mga santo ng Romano Katoliko. Binabatikos nila ang Katoliko pero nananahan sila sa mga santo ng Katoliko.

PANALANGIN: Ipag-adya Mo ang aming pinagsumikapang ari-arian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): Gusto ko ang pepe, dede, pederalismo. …7781, Balulang, CDO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending