Calamity loan program

MAAARI nang makapag avail ng loan assistance program ang mga miyembro at pensyonado ng Social Security Ssystem (SSS) na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas ng baguong Henry, Inday at Josie noong Hulyo.

Naglaan ang SSS ng mahigit sa P863 milyon para sa loan assistance program

Mahigit 61,000 miyembro at pensyonado ng SSS ang naapektuhan ng matinding pagbaha kaya naman kinakailangan na maghandog ng loan
assistance program bilang tulong sa mga nasalanta.

Maaaring mag-avail ng Calamity Loan Assistance Program ang mga aktibong miyembro ng SSS na nakatira sa mga apektadong lugar ng kalamidad na idineklara sa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gayundin, ang mga pensyonado sa nasabing lugar ay maaaring mag-advance ng tatlong buwang pensyon.

Idineklara ng NDRRMC na nasa ilalim ng state of calamity ang Probinsya ng Pangasinan; Paombong, Bulacan; Calumpit, Bulacan; Marilao, Bulacan; Hagonoy, Bulacan; Licab, Nueva Ecija; Lungsod ng Olongapo; Ramos, Tarlac; Anao, Tarlac; Camaling, Tarlac; La Paz, Tarlac; Moncada, Tarlac; Masantol, Pampanga; San Luis, Pampanga; Probinsya ng Bataan; San Jose De Buenvista, Antique; Probinsya ng Cavite; Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal; Probinsya ng Occidental Mindoro; Asipulo, Ifugao; Brgy. Bimpal, Lamut, Ifugao; Brgy. Nayon, Lamut, Ifugao; at Lungsod ng Marikina.

P363 milyon ang posibleng magamit sa pagpapautang sa loan assistance habang P500 milyon naman ang para sa paunang tatlong buwang pensyon.

Upang makapag-avail ng SSS calamity loan, kinakailangan na ang miyembro ay may tirahan o ari-arian sa mga nasasakupang lugar at may minimum na 36 buwan kontribusyon kung saan ang anim dito ay naihulog sa loob ng 12-buwan bago ang pag-aapply. Ngunit, ang mga miyembro na nag-apply sa SSS Loan Restructuring Program at mga may final benefit claims tulad ng permanent disability at retirement ay hindi na maaaring mag-avail ng programa.

Ang mga aplikante sa ilalim ng advance three-month pension ay kinakailangang magbigay ng barangay certification kung ang kasalukuyang address ay iba sa nakatalang address sa SSS database upang mapatunayan na sila ay nakatira sa idineklarang calamity area ng NDRRMC.

Maaaring mag-apply para sa assistance package sa loob ng tatlong buwan o hanggang Nob 12.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta ang mga miyembro at pensioners sa pinakamalapit na sangay ng SSS, tumawag sa SSS Call Center hotline sa 920-6446 hanggang 55, o magpadala ng email sa member_relations@sss.gov.ph. Maaaring i-download ang application forms sa SSS website sa www.sss.gov.ph.

SSS President and Chief Operatin Officer Emmanuel F. Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City
Republic of the Philippines Social Security System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...