Ping tumanggi sa bag ng pera

TUMANGGI umano si Sen. Panfilo Lacson sa isang bag ng pera na ibinibigay ng pamilya ng isa sa mga na-rescue nila noong siya pa ay opisyal pa ng Philippine National Police.

Inamin naman ni Lacson na ang mga taong natulungan niya noon ang siyang pumondo sa kanyang kampanya lalo at wala naman siyang pork barrel fund.

Kuwento ni Lacson sa #MeetInquirer MultiMedia kahapon na minsan ay dumating sa kanyang tanggapin si dating Metro Manila Development Authority chairman Prospero Oreta kasama ang pamilya ng isang kidnap victim upang humingi ng tulong.

Nang mailigtas nila ang bata ay bumalik umano ito sa kanyang tanggapan dala ang isang bag ng pera.

“They bring a bag full of money, ito pasasalamat, ang sabi ko sa kanila we only did our duty and they could not believe na yung pulis tatanggi sa pera,” ani Lacson.

Hindi umano nakalimot ang mga taong ito at nang pumasok siya sa pulitika ay nagbigay ng suporta at tulong pinansyal upang pondohan ang kanyang kampanya.

“And true enough when I filed my certificate of candidacy people who I do not know anymore, I do not recall darating sa aming campaign headquarters, senator siguro naman tatanggapin nyo na ito kasi pang campaign naman ito, hindi naman ito yung parang pagkatapos ma-rescue ibibigay na reward.”

Samantala, sinabi ni Lacson na tama ang ginagawa ni PNP Chief Oscar Albayalde na tuloy-tuloy ang paglilinis sa hanay ng kapulisan.

Read more...