Du30 hindi seryoso sa pagbibitiw-Lacson

Hindi naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang pahayag na bababa ito sa puwesto basta hindi si Vice President Leni Robredo ang papalit sa kanya.

Sinabi ni Lacson na maaaring nasambit ito ng Pangulo dahil sa kanyang ‘frustration’ sa mga nangyayari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Alam natin na hindi seryoso kasi alam natin na hindi pwede, because in the first place its unconstitutional,” ani Lacson sa #MeetInquirer Multi Media ngayong araw.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang bise presidente ang papalit sa pangulo kapag bumaba ito sa puwesto.

“This is not the first tome that he hear him say that. And every time that he announces something we need to decrypt lahat ng sasabihin… I think it is out of frustration on recent events.”

Sinabi ng senador na maaaring na-frustrate si Duterte ng patuloy na korupsyon sa militar at pagkasangkot ng mga malalapit sa kanya sa katiwalian.

“Mabigat sa kanya yun (korupsyon sa military) kasi binigay na niya lahat, dinoble ang sweldo, lahat ng mga concerns ng military binigay nya, modernization and everything, biglang makikita niya na merong report na ini-squander yung pera ng isang unit o ng V. Luna Medical Center and then some people that are very close to him na-involve sa corruption, I think you know, knowing him… I think its out of frustration.”

Read more...