LizQuen ‘hiwalay’ muna pagkatapos ng Bagani

ISANG malaking pasabog ang magiging ending ng ABS-CBN Primetime Bida na Bagani. Ito ang siniguro nina Liza Soberano at Enrique Gil sa finale episode ng kanilang action-fantasy series.

Huwag na huwag palalampasin ang pagtatapos ng Bagani ngayong Biyernes dahil malalaman na kung kaya nga bang isakripisyo Lakas (Enrique), Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem(Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buhay ni Ganda (Liza) para sa ikabubuti ng Sansinukob?

Samantala, kinumpirma ng LizQuen na magkakanya-kanya muna sila sa susunod nilang project.

After Bagani, kakaririn na ni Liza ang shooting para sa “Darna” at magsisimula na rin si Enrique sa susunod niyang proyekto.

“I’ve been training continuously, despite na mayroon akong taping, and shooting na ginagawa so, I make sure I get to the gym at least five times a week,” ani Liza. “Separately for a while, well matagal na kami nagsama sa Bagani so mag-separate lang kami because I’ll be doing Darna, but after that we’ll be back together,” aniya pa.

Read more...