Tanggap ba ni Dingdong ang sorry, paliwanag ng ABS-CBN?

SINAGOT na ng ABS-CBN ang reklamo ni Dingdong Dantes tungkol sa tahasang paggamit ng larawan nilang mag-anak sa seryeng Ang Probinsyano. Ang tanong na lang ay kung katanggap-tanggap ba para sa aktor ang naging paliwanag ng Dos.

Ayon sa network na kalaban ng istasyong pinagseserbisyuhan ni Dingdong ay iniimbestigahan na raw ngayon ang mga staff nilang nararapat managot sa paggamit ng retrato nina Dingdong, Marian at Zia.

Pero nilinaw rin ng ABS-CBN na meron daw silang kinuhang third party contractor para mag-ayos ng mga ginagamit na props sa matagumpay na serye.

Usung-uso ngayon ang ganu’n. Para maging mabilis ang paghahanda para sa taping ng mga serye ay kumokomisyon ang produksiyon ng mga namamahala sa lahat ng mga detalyeng kailangan nila nang mabilisan.

Biyak-biyak ang pagkomisyon nila ng trabaho, kani-kanyang atake, para lang hindi na ang mismong produksiyon ang mamroblema sa kung anu-anong kinakailangan sa set.

Tatlong beses sa isang linggo ang taping na serye, ang dami-dami pa namang detalyeng kailangang alagaan, kaya ibinabahagi na nila ang trabaho sa isang third party contractor.

Sana’y maging sapat na para kay Dingdong Dantes ang naging pahayag ng ABS-CBN. Wala namang perpekto sa mundong ito, pero merong mga nagpapabaya sa kanilang trabaho, na dapat lang bigyan ng leksiyon.

Read more...