Pilita Corrales bibili ng mansion worth P100M?

SA minanang sprawling subdivision in Parañaque called Jackielou Ville ni Jackielou Blanco umuuwi ngayon ang kanyang ina na si Ms. Pilita Corrales.

Naibenta na raw kasi ni Tita Pilita ang kanyang bahay sa Quezon City for practical reasons.

Napakalaki kasi nito to think na silang mag-asawa (a foreigner) lang naman ang nakatira.

Pero much later pala ay na-realize ng Asia’s Queen of Songs that living in the southern part is inconvenient lalo’t nasa Quezon City ang kanyang trabaho.

Nagpapahanap tuloy siya ng bahay sa nasabing lungsod.

May nag-suggest sa kanya na isang tirahan sa bandang New Manila. “Eh, magkano naman?” tanong ni Tita Pilita. Sagot ng kausap, “One hundred million.”

“Ay, hindi ko pa kaya!” bulalas ng mang-aawit. Take note na may salitang “pa,” meaning in due time ay posibleng ma-afford na niyang bilhin ang property na ‘yon.

Meanwhile, matagal-tagal na ring panahong hiwalay na si Jackielou sa dyowa nitong si Ricky Davao (for unknown reasons), yet at a recent small gathering ay nagkita ang dating magbiyenan at magkaharap pang nagtsitsikahan as though nothing much has changed, or nothing has changed at all. When good souls bond, there’s no room for hatred, bitterness or resentment.

Read more...