Joshua hiyang-hiya kapag ikinukumpara kay John Lloyd

PALAGING nako-compare si Joshua Garcia kay John Lloyd Cruz.

People are always saying that he is the next John Lloyd Cruz. Time and again, he was asked about the comparison sa actor na dyowa ni Ellen Adarna.

“Nakaka-flatter din po. Ano kasi, hindi ko mapapantayan ‘yun eh. John Lloyd na po ‘yun.
Kumbaga, ang layo na niya,” nahihiyang sabi ni Joshua na makakasama for the first time si Julia Barretto sa isang bonggang teleserye, ang Ngayon At Kailanman mula sa Star Creatives.

Ipapamalas nina Joshua at Julia ang kanilang husay sa pag-arte bilang sina Inno at Eva at ipapakita kung ano ang handang gawin ng dalawang taong nagmamahal para rito. Si Inno ay mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Cortes at si Eva naman ay laki sa hirap.

Read more...