SABAY na ipagdiriwang ang dalawang holiday sa bansa matapos namang ipalabas ng Palasyo ang Proclamation 556, kung saan idineklarang regular holiday ang Agosto 21 bilang paggunita ng Eid’l Adha na siya ring araw ng Ninoy Aquino Day.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 556 noong Agosto 15, 2018.
“The National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 21 August 2018 be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” sabi ng Proclamation 556.
Hindi pa naman malinaw kung paano ang magiging bayaran para sa mga empleyadong papasok ng Agosto 21, sa harap ng dalawang holiday na sabay ipinagdiriwang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.