Bebot tumakbo sa LQ, nahulog sa kanal

NAGSASAGAWA ng search and rescue operation ang mga otoridad para sa isang babaeng nahulog sa kanal at inanod ng tubig sa Tuba, Benguet, Lunes ng gabi, sa gitna ng pagtatalo niya at ng kinasama.

Nakilala ang biktima bilang si Krystel Marlin, 19, tubong Eastern Visayas at naninirahan sa Bagui City, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente pasado alas-7, sa tapat ng isang lodge sa kahabaan ng Marcos Highway.
Nagtalo si Marlin at ang “partner” niyang si Marvin Ruiz, isang negosyante, kaya naglakad ang dalaga patungo sa Badiwan Road, ayon sa ulat.

Sinundan siya ni Ruiz para umano makipag-ayos, ngunit nawalan ng balanse si Marlin kaya nahulog sa katabing kanal at inanod ng malakas na daloy ng tubig, ayon sa pulisya.

Nagpadala ng tauhan ang pulisya, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, at isang rescue group para hanapin si Marlin.

Read more...