Puno nabuwal: 1 patay, 3 sugatan

NASAWI ang isang tricycle driver at tatlo pa ang nasugatan matapos mabagsakan ng punong nabuwal dahil sa malakas na hangin, sa San Pedro City, Laguna, Lunes ng gabi.

Itinakbo pa sa ospital si Garner Arado, 22, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-7, sa bahagi ng Emelda ave. na sakop ng Brgy. Langgam.

Nakaparada si Arado at tatlo pang tricycle driver doon, nang biglang itinumba ng malakas na hangin ang isang puno ng mangga, ayon sa ulat.

Tinamaan ng malaking sanga si Arado, habang ang mga kasama niya’y nagtamo ng bahagyang pinsala, ayon sa pulisya.

Napinsala din sa insidente ang apat na tricycle.

Read more...