Study now, pay later ng SSS | Bandera

Study now, pay later ng SSS

Lisa Soriano - July 03, 2013 - 07:00 AM

Dear Ma’am Liza,
Ako po ay isang estudyante. Ang aking ama ay walang hanapbuhay. Ang akin namang ina ay na-retrench sa kanyang trabaho kamakailan lamang.
Pareho silang miyembro ng SSS. Gusto ko po sanang mag-apply ng scholarship program ng SSS. Meron po bang scholarship program ang SSS? Ano po ang dapat kong gawin? Nais ko pong ipagpatuloy ang
aking pag-aaral. Mayroon po bang study now pay later program ang SSS? Hoping po for your immediate response. Thanks po.
Rose Bedes

REPLY: Ito ay bilang tugon sa sulat na ipinadala ni Rose Bedes kung saan tinatanong niya kung mayroong programa ang SSS na maaaring makatulong sa kanyang pag-aaral.

Ang SSS ay mayroong Educational Loan Program na maaaring maka-tulong sa mga mag-aaral sa college o sa mga nais kumuha ng vocational o technical course. Ang loan ay maaaring gamitin sa pag-aaral ng hanggang dalawang anak ng may-asawang member ng SSS, kapatid ng member na wala pang asawa, o sa pag-aaral ng member o ng kanyang asawa.

Para mag-qualify sa Education Loan Program, kailangang ang member ng SSS ay mayroong hindi bababa sa 12 monthly contributions at ang isa rito at dapat na nabayaran sa loob ng tatlong buwan bago ang filing ng application. Pinapayuhan namin ang ama o ina ni Ms. Rose na ire-activate ang pagbabayad ng contributions sa SSS para rito.

Ang iba pang qualfying conditions para sa Educational Loan Program ay: ang actual na kita ng member ay hindi dapat humigit sa P25,000; at kung may mga existing loan sa SSS, kailangan ay up-to-date ang payment dito.

Ang halaga ng loan sa bawat semester o trimester para sa college degree ay P20,000; para naman sa technical/vocational, P10,000.

Maaaring kumuha ng form para sa loan na ito sa mga tanggapan ng SSS o i-download mula sa www.sss.gov.ph. I-file ang application form sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS kasama ang assessment form mula sa paaralan na nagsasaad ng actual na halaga ng tuition. Kailangan din ang SSS ID o kung wala nito, dalawang valid IDs ng SSS member. Required din na kumuha ng SSS number ang sinumang gagamit ng educational loan. Para sa pagkuha ng SSS number, kailangan mag-fill out ng SSS form E-1 at isubmit ito sa SSS kasama ang kopya ng birth o baptismal certificate.

Ang loan ay babayaran sa loob ng limang taon para sa college degree at tatlong taon para sa vocational/technical course. Ang pagbabayad ng loan ay magsisimula 18 buwan (para sa semestral) o 15 buwan (para sa trimestral) matapos ang huling release ng loan.

Para sa karagdagang katanungan tungkol sa Educational Loan, magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS o di kaya ay tumawag sa call center sa 920-6446 hanggang 55. Ang SSS call center ay bukas 24-hours, Lunes hanggang Biyernes.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang in-yong katanungan. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending