Sikat na female celeb nagdi-disguise para makaiwas sa mga fans na nakikipag-selfie
AYAW makita ng aming mga impormante ang isang kilalang female personality na isang araw ay nagrereklamo dahil wala nang lumalapit sa kanya para makipag-selfie.
Sabi ng aming source, dapat daw ay maging generous ang babaeng personalidad habang kilala pa siya, dahil isang araw kapag pumusyaw na ang kulay ng kanyang bituin ay wala nang magpapahalaga sa kanya.
“Sa itsura pa lang naman kasi ng female personality na ‘yun, e, may attitude na siya. Halatado na agad ang kamalditahan niya. Bagung-bago pa lang siya nu’n, pero halatado na ang kaangasan niya.
“Kahit ang mga co-stars na nakakasama niya, e, ganu’n din ang comment. May sarili siyang mundo, wala siyang pakialam sa ibang tao, sarili lang niya ang pinakamagaling, wala nang iba.
“Ang depensa ng kanyang balwarte, e, hindi raw naman kasi kailangan ng girl ang showbiz dahil mayaman sila. Pero no! Wala ‘yun sa estado ng buhay, ang dami-dami namang artistang galing sa buena familia na marunong makisama, nakikihalubilo sa kanilang mga katrabaho, di ba?
“Wala ‘yun sa yaman, nasa ugali ‘yun, nasa breeding. Talagang naturalesa na niya ang pagiging ganyan, ewan nga ba kung bakit bilib na bilib sa kanya ang mga faney niya!” napapailing na chika ng aming source.
Marami siyang alam na paraan para makalusot siya sa mga kababayan nating gustong magpa-picture sa kanya. Magaling siyang pumaraan.
“Aba, nagdi-disguise pa nga siya kung minsan, alam n’yo ba ‘yun? Minsan nga, e, nagpapanggap pa siyang Muslim, nakabalot na ang buong mukha niya, naka-shades pa siya nang malapad na halos takip na ang kalahati ng face niya!
“Huwag siyang mag-alala, one day, e, matatapos na rin ang iniiwasan niyang scenario, wala nang lalapit sa kanya para magpa-picture. Hindi na nga siya masyadong nararamdaman ngayon, ganyan pa siya?
“Nakakaloka ang female personality na ‘yun na nakakatakot ang mouth, baka kasi bigla ka na lang mawala, kasi, nilunok ka na niya!” tawa na lang nang tawa na kuwento ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na, hindi na kayo mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.