4 na batang tumalon sa ilog sa Olongapo nailigtas; 1 pa nawawala

NAILIGTAS ang apat na batang nauna nang napaulat na nawawala matapos tumalon sa lumaking ilog sa  Olongapo City, ngayong hapon.

Natagpuan ng mga residente ng barangay ay mga bata malapit sa gubat sa Barangay Old Cabalan, ayon kay Angelito Layug, chief ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office.

“The rescued children are being treated at James L. Gordon Memorial Hospital,” sabi ni Layug.

Nawawala naman ang isa pang batang babaeng kinilala na si Christile Traquina, 13, ganap na alas-6 ng gabi, ayon pa kay Layug. 

Napaulat na nawawala ang mga bata matapos tumalon sa lumaking ilog dahil sa walang tigil na mga pag-ulan.

“The children, aged 10 to 14, were swept away by a strong current at about 11 a.m.,” sabi ni Layug. 

Naglalaro ang mga bata sa ilalim ng tulay malapit sa ilog sa Barangay Sta. Rita nang sitahin ng mga tanod.

Read more...