BILANG bahagi ng isang taong selebrasyon ng kanyang ika-40 anibersaryo sa showbiz, inilunsad ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang SharonCunetaNetwork. Dito opisyal nang pinagsama-sama ang kanyang online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube.
Hatid ng SharonCunetaNetwork ang exclusive at original content tungkol sa mga kaganapan sa buhay at career ng Megastar – mula sa pelikula, telebisyon, musika, live performances, endorsements at pati na rin ang makulay at nakaka-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, and friend.
Sa Facebook, ang kanyang pinakabagong opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork; sa Twitter naman ay @SharonCunetaNet; sa Instagram ay @SharonCunetaNetwork; at Sharon Cuneta Network naman sa YouTube.
Ang mga ito’y karagdagang platforms na lalong magpapalakas sa personal social media accounts ni Sharon tulad ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page (more than 1 million followers; @sharon_cuenta12 Twitter account (1 million followers); at ang @reallysharoncuneta Instagram account (631,000 followers).
Ang mga platforms na ito ay siyang magiging dahilan upang lalong maipakilala si Sharon at ang kanyang body of work sa loob ng apat na matatagumpay na dekada sa bagong henerasyon.
Tututukan din ang kanyang pagiging judge sa top-rating singing and impersonation competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar; bilang coach sa The Voice Of The Philippines; at bilang isa sa mga high profile celebrity endorser sa bansa.
Bilang paunang offering, ipi-feature ng SharonCunetaNetwork ang mga one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng karera at personal na buhay ni Mega, kasama na ang kanyang kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na “My 40 Years, Sharon”, ang kanyang 40th anniversary concert sa Set. 28 sa Araneta Coliseum.
Makakasama niya sa pinaka-engrandeng musical event na ito ngayong taon sina Louie Ocampo, Mell Villena at Ryan Cayabyab bilang musical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez at Gary Valenciano.
Ang “My 40 Years, Sharon” ay presented ng San Miguel, in cooperation with Petron, Magnolia Chicken 3-Way, Philippine Airlines, McDonalds at The Aivee Group.
For tickets tumawag sa 552-7473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.
Para sa lahat ng Sharonians i-like ang SharonCunetaNetwork sa FB, follow @SharonCunetaNet sa Twitter at @SharonCunetaNetwork sa Instagram, at mag-subscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube.
q q q
Proud na proud naman si Sharon sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan nang mag-perform ito sa Manila concert ng British band na Workshy.
Sa kanyang Facebook, ipinost ni Mega ang video ni Frankie habang kumakanta sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque. Siya ang nag-open ng Workshy concert with Amy Winehouse’s
“Valerie,” 5SOS’s “Disconnected,” at ang sarili niyang composition na “Starlight.”
“Kakie was great tonight! Akala mo naka 20 performances na ang anak ko! Galing! Am so proud!
Congrats, Kakie! OMG, two babies down (bitten by the showbiz bug)! Following in Ate Tina’s (KC Concepcion) footsteps!” ang caption ni Sharon sa video ng anak.