Glaiza tunay na kayamanan ng GMA; tuloy ang pagrereyna sa Contessa

RAMDAM na ramdam ng avid viewers ang napaka-intense na mga eksena sa Afternoon Prime series ng GMA na Contessa kaya naman patuloy silang nakatutok sa bawat episode nito mula Lunes hanggang Sabado.

Inis na inis ang mga manonood kay Duquessa na ginagampanan ni Gabby Eigenmann pati na rin kay Daniella (Lauren Young) na mga kontrabida sa buhay ni Contessa (Glaiza de Castro).

Pasabog din ang role ni Max Collins bilang si Perfida na isinakripisyo ang buhay para ipaghiganti si Contessa. Pati ang sagupaan nina Charito (Chanda Romero) at Guada (Tetchie Agbayani) ay talagang winner na winner sa mga viewers.

Samantala, ikinatuwa ng mga loyal Kapuso ang “pagbabalik” ni Contessa. Sabi nga ng mga netizens, ibang klaseng aktres si Glaiza, siya ay isang tunay na kayamanan ng GMA na habang tumatagal ay lalong kumikinang.

Sa kanyang pagdating, siguradong hindi na naman titigil ang mag-iinang Charito, Duquessa at Daniella sa paghihiganti sa kanilang mortal na kaaway.

Kailan kaya matatapos ang kasamaan ng pamilya Imperial? At hanggang kailan kaya kakayanin ni Contessa ang paglaban sa mga kaaaway? Patuloy na tutukan ang kuwento ni Contessa sa GMA Afternoon Prime!

Read more...