APAT sa mga celebrities na nabiktima rin ng matinding ulan at pagbaha sa Metro Manila nitong nakaraang Sabado ay sina Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, Glaiza de Castro at Gil Cuerva.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Andrea ang pagsagip sa kanya at ilang kapamilya ng mga tagaroon sa kanila matapos bumaha sa kanilang lugar na umabot hanggang dibdib.
“We survived! Thank you sa mga kuya na tumulong samin ni mama kahit abot na sa dibdib niyo yung tubig! Wohoo di ko makakalimutan yung experience na to. Stay safe everyone!!! Thank you,” caption ng dalagita sa kanyang IG photo.
Humingi naman ng tulong si Alexa sa kanyang mga social media followers para tulungan silang makaalis sa binahang building sa Marikina City.
“Please help us. Chest deep na yung baha. We’re at Omakase, Gil Fernando St., San Roque, Marikina. Safe naman kami dito sa 2nd floor ng building pero tumataas ng tumataas ang tubig,” tweet ng Kapamilya talent.
Ilang sandali ang lumipas, nag-post ng update si Alexa sa Twitter at sinabing huwag nang mag-alala ang kanyang pamilya at mga supporters, “Update: nilusob namin baha hanggang Marcos Hi-way. nasa safe land na kami. Maraming salamat sa prayers n’yo.
“I am now completely safe. I just want to say THANK YOU SO MUCH sa lahat ng nag dasal, nagpatawag/nagtweet ng rescue, at sa lahat ng nag alala para sakin. To my StarMagic family, & to all my loved ones, thank you so much. I love you. Na appreciate ko ang bawat isa sainyo,” aniya pa.
q q q
Samantala, ipinakita naman ni Glaiza sa kanyang Twitter account ang litrato ng kanyang van na lumubog din sa baha.
Na-stranded ang kanilang grupo pagkatapos ng shooting sa Macopa St. Corner Biak Na Bato Barangay Sto. Domingo, Quezon City
“Ang sakit pag nakikita mo yung sasakyan mong ganito. Nakaka frustrate magbasa ng tweets. Nag eexpect sana ng kahit anong suggestion o tulong. Sana hindi niyo ma experience ito,” ani Glaiza.
Sa sumunod niyang tweet, sinabi ng dalaga na, “Nakalabas na kami ng location pero may mga naiwan pa dun at kung may alam kayong matatawagang extra boats na pwedeng mag rescue, please let me know. Salamat po.”
Nag-post din ang Kapuso hunk na si Gil Cuerva ng litrato ng harap ng kanilang bahay na medyo malalim na rin ang tubig-baha. Sa kanyang Instagram Story sinabi ng binata na, “This is the situation outside our house… our street is flooded…This is crazy.”