‘Time’ ni Girls’ Generation member Seohyun palabas na

KOREAN word of the week: “Uljima” – Nangangahulugan ito sa Ingles ng, “Don’t cry”. Sa atin, ang kahulugan nito ay, “Wag ka nang umiyak.”

q q q

Palabas na ang bagong K-drama na Time ng Girls’ Generation member na si Seo Ju Hyun, na mas kilala sa tawag na Seohyun.

Isang aspiring chef ang role rito ni Seohyun, na sa murang edad pa lamang ay naging breadwinner na ng kanyang pamilya.

Kasama rito ni Seohyun ang Korean actor na si Kim Jung Hyun, na gumaganap sa role bilang isang mayaman at masungit na lalaki.

Kabilang sa mga naging Korean drama ni Seohyun ay ang Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, kasama ang Korean superstars na sina Lee Joon Gi, IU at Nam Joo Hyuk.

Nagsimula siyang maging female lead star sa K-drama na Bad Thief, Good Thief, kasama sina Ji Hyun Woo, Kim Ji Hoon at Lim Ju Eun. — Keiza Dominguez, trainee

Read more...