Kim Yoo Jung ng ‘Love In The Moonlight’ balik drama

MAGABABALIK ang sikat na Korean actress na si Kim Yoo Jung sa bagong TV series matapos maka-recover mula sa isang thyroid surgery dahil sa sakit niyang hypothyroidism.

Kumpirado na si Yoo Jung ang lead actress sa bagong dramang Clean With Passion for Now, na eere ngayong Nobyembre.

Magsisimula na ngayong buwan ang shooting para sa drama series na ito.

Nag-post din si Kim Yoo Jung sa kanyang Instagram account na @you_r_love ng update tungkol sa kanyang kalusugan.

Nag-share si Yoo Jung ng kanyang picture kung saan may hawak siyang malaking bouquet na may caption na, “Thank you. I’m in even better health and I’m smiling more these days. I’ll soon be able to see you all at a closer distance. Thank you everyone for waiting.”

Bumida si Yoo Jung sa seryeng Love In The Moonlight katambal si Park Bo-gum.

Nagsimula si Yoo Jung bilang child actress. Ilan sa mga naging K-drama niya ang The Moon Embracing The Sun kasama sina Kim Soo Hyun, Han Ga-in, Jung Il-woo, at Kim Min-seo. — Keiza Dominguez, trainee

Read more...