Ken Chan hirap na hirap sa pagkakaroon ng mental disorder

ISA na namang bagong challenging role ang gagampanan ni Ken Chan sa upcoming GMA soap na My Special Tatay. May mental disability ang karakter niya bilang si Boyet kaya naman para magampanan nang tama ay nag-immersion at nag-interview siya ng mga taong may mental disability.

Ayon kay Ken, “Hindi ganu’n kadali ‘yung sa physical, sa emotional, and sa mental aspects and lahat ‘yun kailangan kong pag-aralan.”

Kaya naman puspusan ang kanyang paghahanda para sa kanyang karakter na first time niyang gagawin.

Samantala, muli niyang makakatambal si Arra San Agustin na huli niyang nakatrabaho sa seryeng The Cure. Makakasama rin dito sina Jillian Ward, Bruno Gabriel, Teresa Loyzaga, Candy Pangilinan at Carmen Soriano.

Gaganap naman bilang mapagmahal niyang ina sa show ang nagbabalik-Kapuso na si Lilet na unang sumikat bilang singer noon.

Read more...