Pananabotahe sa Victor Magtanggol ni Alden palusot lang daw

ALDEN RICHARDS

Bilib talaga kami sa ilang Kapuso fans na nagpakalat online ng tsismis na sinabotahe raw ang cable signal nila habang umeere ang Victor Magtanggol sa unang linggo nito.

Una sa lahat, lumang tugtugin na ang katwirang sinasabotahe kuno sila dahil madalas itong kinakanta ng Kapuso fans kapag talo ang show nila sa ratings. Pangalawa, napakadaling gumawa ng social media accounts at magpanggap na cable TV subscriber para lang makapagreklamo at magkunwaring walang umeere na palabas sa kanilang TV.

Kung marami ang sumigaw ng pananabotahe, marami rin naman ang nagkomento online na gawa-gawa lang daw ito ng Kapuso fans para may dahilan sila kung bakit mababa ang ratings ng Victor.

Napansin ng Twitter user na si @Eci_17, “At talagang ‘yung mga naka-tuned in lang sa VM ang naapektuhan.”

Tinawag ng Twitter user na si @Guard_LILY ang pananabotahe issue na, “palusot dot com,” habang “old style promo” naman ang kumento ni @BIDIDAY68.

Sey ni @AsuncionVilleg1, “Talaga lang ha? Ngayon naman reklamo nila dahil sa signal? Sa next day ano naman ang idadahilan ng GMA?”

Hindi naman nagpatalo sa comment si @hellofritty at sinabing “Lame excuse for a poor show. No wonder ratings go down slowly.”

Habang sabi naman ni @aprilchune, “Palusot pa more talagang hindi mo kayang patayin si Cardo Dalisay.”
Tandaan natin, ni isang araw, hindi pa nananalo sa parehong AGB Nielsen at Kantar Media ang Victor Magtanggol laban sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sa katunayan, nakakalula ang lamang ng Probinsyano laban sa serye ng GMA ayon sa latest data mula Kantar Media noong Huwebes (Agosto 9). Nakakuha ang FPJAP ng national TV rating na 46.3% laban sa 16.7% ng VM.

Read more...