NAKARATING na kay Drew Something ang kantiyaw sa kanya ni Mo Twister.
Being pa-famous, siyempre may sagot ang dakilang alalay ni Mocha Something.
May video na ginawa si Drew na siyang ipinost ni Mo sa kanyang Twitter account.
“Ang saya. Hindi ko kaya ito. Mga kapitbahay, trending ako sa Twitter. Mainggit kayo. Hoy, Mo Twister di ba ‘yung face ko daw ang lakas maka-tan***ina. Mas masahol pa ang show mo, walang kuwenta. Bumalik ka dito sa Pilipinas, hoy Mo Twister,” say ni Drew sa video tapos tawa nang tawa na parang baliw.
“A new star is born. Mocha’s (where your taxes go) chosen sidekick, Drew Olivar of ‘Pepedederalismo’. Ang tanong, anong klaseng droga yan? oh, @mochauson @martinandanar #Bato #Du30, ba’t wala sa listahan nyo ‘to? #sabog #warondrugs #adik #shabu #rugbyboy #ectasy,” caption ni Mo sa video post niya.
Ang daming netizens na kumampi kay Mo.
“Hindi lang sya lumunok ng amoy zonrox! Literal na zonrox ang talagang nilunok nya KAYA ganyan.. Hahahaha!”
“I’m now starting to believe that we’re evolving…from trapo! Politicians to Basura politicians. #changeiscoming.”
“Ilang kilo ng bawal na gamot ang nilaklak nyan? Hahaha! Parang sira na ulo ng olivar na yan based sa video.”
“Bakit kelangan nya tumawa ng ganon? Tingin ba nya matatawa yung viewers nya pag ganyan sya tumawa. Nakakabwisit.”
“LOL. Pepederalismo video VS. Mo Twister’s radio program? Mo Twister na lang piliin ko.”
“You got served and burned! Hahahaha!”