P27M Mega Lotto jackpot napanalunan

ISANG mananaya ang nanalo ng P27.4 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 31-03-25-21-15-12.

Mayroon siyang isang taon upang kunin ang kanyang premyo.

Samantala nanalo naman ng tig-P12,370 ang 59 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P290 naman ang 1,982 mananaya na nakaapat na numero at P20 ang tinamaan ng 24,194 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Sa Biyernes ay bobolahin naman ang Ultra Lotto 6/58 at inaasahan na aabot sa P350 milyon ang jackpot prize.

Read more...