Cherie Gil ingat na ingat sa pananakit kay Jo Berry sa ‘Onanay’

JO BERRY AT CHERIE GIL

MAIPAGMAMALAKI ng cast ng Onanay ang kanilang puyat at pagod dahil wagi agad sa ratings game ang pinakabagong GMA series.

Inabangan ang pagdating ng karakter ni Cherie Gil sa serye, at mula nang magkaroon sila ng eksena ni Onay (Jo Berry) ay hindi na bumitaw ang mga manonood dito. Kahit mismong si Cherie ay hindi kinaya ang eksena.

“That was tough to watch,” post pa niya sa Instagram. Nabanggit ng veteran contravida na maingat siya sa mga eksena dahil ayaw niyang masaktan si Jo, pero ibang sakit pala ang naramdaman niya nang mapanood ang eksena.

Nakakatuwang subaybayan si Cherie sa kanyang Instagram posts dahil malayong-malayo sa intimidating at nakakatakot na character niya sa mga serye ang kanyang online presence.

Benta ang posts at nakakaaliw basahin. Tuluy-tuloy na subaybayan ang Onanay sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol na pinagbibidahan naman ni Alden Richards.

Read more...