KC binatikos sa suot na relo na nagkakahalaga ng P21.7M

SOME netizens are idiots for bashing celebrities na nag-post lang naman ng ilan nilang accessories.

When KC Concepcion posted a photo wearing a luxury timepiece, marami ang nalula sa presyo nito.

As reported by one online portal, the watch, according to KC’s fan, is a “Lady Nuit des Papillons Watch from the French brand Van Cleef & Arpels” and reportedly cost “$410,000 or PHP21,754,600”.

With that, some netizens bashed KC. Masyado raw itong pasikat gayong ang daming naghihirap sa bansa natin.

“Bakit kailangang ipagyabang pa sa dami ng naghihirap sa mundo? Para ano? Tingalain ng mga hindi swerte sa buhay? Daming naghihirap.”

“Dapat pansarili na lang yan d na dapat i post kahit man lang karampot itulong sa mahihirap at sa mga taong grasa na namamalimos. ang buhay nga naman unfair may mahirap na lalong nag hihirap at mayaman lalong yumayaman. sana lahat pantay pantay.”

“What is good about that!? So what? Do you earn good value by bragging that luxurious watch?”

Those were the tangang comments ng bashers. But KC’s fans parried off the attacks.

“KC is a good person. I really admire her a lot. I remember her before nung pumunta siya sa amin sa Bukidnon namigay siya ng pagkain, mga school supplies at nakipag halubilo pa cya sa mga taong hindi niya kilala. Pero never nai feature sa TV yun. Kaya salute ako this girl,” said one fan.

“Kahit sino naman basta afford why not diba? Kasalanan ba ni KC mahirap ang ibang tao. Walang mahirap sa taong marunong maghanap buhay. So magtrabaho tayo para mabili din natin ano gusto natin bilhin huwag mainggit sa taong mayroon dahil pinaghirapan din nila iyan,” say ng isa pang supporter ng dalaga.

Read more...