Anne hindi na kinuhang guest si Vice sa concert; pinaghahandaan na sina Sarah, Regine at Aegis

WALEY si Vice Ganda sa listahan ng guests ni Anne Curtis sa upcoming major concert niyang “#Anne Kulit: Promise Last Na ‘To!” na gagawin sa Araneta Coliseum sa Aug. 18.

Rason ni Anne, “Kasi everyday na kaming nakikita sa TV ni Vice kaya iba naman ang line up ng guests ko this time.”

Ilan sa special guests sa concert niya ay sina Regine Velaquez at Sarah Geronimo. Kanino siya kinakabahang makipagsabayan sa biritan?

“Parehas! Ha! Ha! Ha! Magkaiba kasi sila, eh! So parehas akong kinakabahan as in! Sobra!” diin ni Anne.

Makikipagsabayan siya kay Sarah sa paghataw habang kumakanta at bosesan naman ang eksena niya with the Asia’s Songbird.

“Pinaghahandaan ko ‘yon kaya ako nag-voice lessons! Ha! Ha! Ha!” katwiran niya.

Looking forward din si Anne sa pagkanta ng classic OPM hit na “Halik” sa concert niya kasama ang rock band na Aegis. Ang “Halik” daw ang madalas niyang kantahin sa kanyang mga mall shows kaya hindi raw pwedeng mawala ang pakikipag-showdown niya sa Aegis.

Read more...