VIRAL ang video ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kung saan binabasa at sinasagot nila ang mga bashers sa social media. Karamihan sa mga negative comments at patungkol sa itsura ni Toni, partikular na sa kanyang mga mata.
Ilang bashers ang tumawag kay Toni ng “duling” dahil sa kanyang mga mata kasabay ng panlalait sa malaki niyang panga. Ayon kay Toni, “Actually, minsan nga.” Pero ayon kay Alex, hindi raw duling ang kapatid niya.
“Nagpunta kami sa opthalmologist. Sabi ng doktor, hindi raw siya duling. Hindi po siya cross-eyed. Malapit lang pa talaga ‘yung pupil niya sa mutaan (tear duct),” pagtatangol ni Alex kay Toni.
Sinagot din ni Toni ang basher na nagsabing hindi raw sila bagay ng kanyang asawang director na si Paul Soriano, baka raw pag nauntog ito ay makita na ang tunay niyang itsura. Reply ng TV host-actress, “Hindi naman siya tumitingin sa physical appearance. He looks at the heart.”
Binasa rin ng magkapatid ang komento ng isang basher na sana raw ay mamatay na sila, na sinagot naman ni Toni ng, “Sobra ang galit niya. Narinig ko ito kay Joel Osteen: A lot of people are like garbage trucks. They have so much garbage in their hearts, and they’re looking for people… Do not be a trash can. Do not allow other people to throw their garbage on you.”