Unang naaresto sa Sampaloc, Maynila, ang umano’y lider ng sindikato na si Joven Aycardo Mañalac, 37.
Nahuli naman ang isa pang suspek na si Ryan del Rosario Figueroa, 36, sa Pampanga, ayon sa pulisya.
Idinagdag ng pulisya na sa ilalim ng modus na “rent-sangla”, rerentahan ng mga suspek ang mga sasakyan ng ilang araw mula sa may-ari. Kapag nakuha na ang sasakyan, ibebenta o isasangla ng mga suspek ang mga sasakyan.
Sinabi ng pulisya na umabot sa anim na sasakyan ang nirentahan ni Mañalac mula sa limang biktima. Sinasabing nagsasagawa ang suspek ng operasyon sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).
Samantala, sa Central Luzon naman ang operasyon ni Figueroa, dagdag ng pulisya.
Nahaharap ang mga suspek mga kasong estafa sa ilalim ng Article 315 of the Revised Penal Code.
Nanawagan naman si Philippine National Police Highway Patrol Group director Police Supt. Roberto Fajardo sa mga biktima na magsampa ng syndicated estafa, na walang piyansa.