Presyo ng bilihin tumaas ng 5.7 porsiyento

UMAKYAT ng 5.7 porsyento ang inflation rate o ang presyo ng mga bilihin noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Mas mataas ito sa 5.2 porsyento na naitala noong Hunyo. Noong Hulyo 2017 ang inflation rate ay 2.4 porsyento lamang. Noong Hulyo 2016 ay 1.3 porsyento lamang.

“The uptrend was mainly due to the 7.1 percent annual rate recorded in food and non-alcoholic beverages index. Nine out of 11 commodity divisions registered higher annual upticks during the month,” saad ng PSA.

Ang naitalang 5.7 porsyento noong nakaraang buwan ang pinakamataas na naitala ngayong taon at mula noong 2013.

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Madaragdagan pa umano ito sa pagsasabatas ng ikalawang package ng TRAIN na inaprubahan na kahapon ng House committee on ways and means.

“The approval of TRAIN 2 bodes ill for consumers since any tax or cancellation of tax incentives of companies would be passed on to consumers. Its approval is also insensitive especially now that inflation for July has reached a staggering 5.7% and prices continue to increase,” ani Zarate.

Mula sa TRAIN 2, pinalitan ng komite ang pangalan nito at ginawang Tax Reform for Attracting Better and High quality Opportunities.

“Kahit anong rebranding ang gagawin ng mga proponents nito para bumango ang masangsang na effects ng Train, hindi nito kayang pagtakpan ang baho nito,” ani Zarate.

Read more...