ASTIG na pulis ang dating ni Maine Mendoza sa behind the scenes photo shoot ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na kinabibilangan niya, ang “Jak Em Poy” kasama sina Vic Sotto at Coco Martin.
Sa mga naglabasang picture sa social media, nakasuot ng uniporme ng pulis si Meng.
Refreshing ang aura ng Phenomenal Star dahil kakaiba talaga ito sa hitsura niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa telebisyon bilang Yaya Dub at ngayon ay si Mengganitay ng Pamilya Nunal sa “TBJ” (The Barangay Jokers) segment ng Eat Bulaga.
Sa totoo lang, hindi lang pangdekorasyon o pampakilig ang hatid ni Maine sa nasabing MMFF entry. Imagine, nasa title na ang role niya bilang si Em kahanay sina Bossing at Coco, huh!
Siyempre, feel na feel ni Meng ang role niya bilang pulis na may maaaksyong eksena na type na type niyang gawin tulad na lang ng mga ginawa niya bilang si Laura Patola sa weekly fantasy drama series ng GMA na Daig Kayo Ng Lola Ko.
q q q
Maluluwag na kalye ang babandera sa publiko sa muling pagbubukas ng Boracay. Ito ang ibinalita ni Public Works & Highways Secretary Mark Villar nang humarap sa entertainment press kamakailan.
Biro ni Sec. Mark, hindi niya nakita si Alice Dixson sa resort nu’ng bumisita siya roon. Naging isyu kasi ang picture ni Alice sa social media na nagtatanong kuno nakapasok ang akres sa resort.
Pero hindi lang sa Boracay tutuk ang DPWH secretary dahl ‘yung mga highways na sinimulan niya ay matatapos sa target nilang dates. Eh, makikipagtulungan din sa kanila si Robin Padilla para ipalaganap ang “Build, Build, Build Program” ng administrasyon nang walang hinihinging kapalit na bayad, huh!
Ang isang ikinatutuwa pa ni Sec. Mark ay ang pagkaka-appoint ng asawa niyang si Rep. Emmie Villar bilang Undersecretary ng Department of Justice. Mas bawas stress ito para asawa pero tuloy pa rin daw ang advocacy niya sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa sakit na lupus.