Mikee, Kate nahihiyang magkamali sa ‘Onanay’

SPEAKING of Onanay, inamin nina Mikee Quintos at Kate Valdez na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na kasama nila sa isang drama series sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Kaya naman talagang kinakarir nila ang bawat eksenang ginawa nila sa bagong primetime series ng GMA. Nahihiya raw silang magkamali dahil nga ang gagaling lahat ng cast members.

Gaganap na magkapatid sina Kate at Mikee sa Onanay at dito mapapasabak sila sa matitinding drama moments kaya naman bawat eksena ay talagang inaaral at kinakarir nila para hindi sila mapahiya.

Read more...