Japanese actress-model ibebenta ang turismo ng Pinas sa Japan

KAHIT noong 2014 pa siya nanalo bilang Miss Japan-Universe first runner-up, fresh na fresh at batambata pa rin ang aura ng Japanese celebrity na si Hiro Nishiuchi.

Kinuha kasi siya ng ating Department of Tourism para maging Philippine Tourism Fun ambassador sa Japan.

Napansin kasi ng DOT si Hiro nang pag-u-sapan ang mga naging travels nito sa ilang magagandang lugar sa Pilipinas at pagkakaroon ng sobrang pagkahilig sa Filipino tourism.

Kaya naman “pinakiusapan” siya ng DOT kung keri ba niya itong dalhin sa Japan.

Very positive naman ang naging response ng beauty queen-model na dream din palang makipagsapalaran sa bansa as a TV or film star given the chance.

Kikay kausap ang Haponesa na nangakong kakaririn ang pag-aaral ng Tagalog at iba pang bagay tungkol sa ating bansa.

She is single right now at bukas din sa posibi-lidad na magkaroon ng karelas-yong Pinoy.

Read more...