WHEN Sana Dalawa Ang Puso Ko star Robin Padilla posted a video of sandamakmak na basura sa dagat, ang daming nag-react at naalarma.
“Walang basurang hindi babalik sa atin. Sa anuman paraan babalikan tayo ng ating mga BASURA. Sh***t Happens! You just dont know when,” caption ni Robin sa IG video niya.
Robin’s followers were sa-ying na tama ang ginawa ni Robin na pagpapaskil ng video para malaman natin na talamak na ang basura sa ating karagatan. Ito rin ang eye-opener na may gawing maganda ang gobyerno para maiwasan ang pagtatapon ng basura sa dagat.
“Nakakainis kasi nung makita ko. Yung iba kasi akala nila walang halaga ang mundong ibabaw.
Kawawa ang mga susunod na hinerasyon. Minsan wala din sa pangulo nasa tao din talaga. Tulungan dapat. Yan ang papatay sa atin. Basura!!”
“Malungkot na katotohanan may mga taong walang disiplina, simpleng pagtapon lang ng basura sa tamang tapunan di pa magawa.”
“Salamat @robinhoodpadilla sa pag post. Sana mapag-aralan ng pamahalaan kung pano malilinis at magsimula sa paaralan ang edukasyon upang mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na mga henerasyon.”
Samantala, na-extend ang Sana Dalawa Ang Puso at tuwang-tuwa ang buong cast sa pangunguna ni Robin who plays Leo Tabayoyong in the series. Kinakabog palagi ng nasabing show ang kalabang programa sa kabilang network.