Kalat na: Vhong nag-propose na sa non-showbiz GF

IWAS na iwas ang lead star ng Regal movie na “Unli Life” na si Vhong Navarro sa mga tanong tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Tanya Bautista, lalo na sa usaping kasalan.

“Basahin n’yo na lang ang ngiti ko. pero ‘yung date, hindi natin puwedeng sabihin,” ang maikling sagot ni Vhong sa presscon ng “Unli Life,” na official entry sa 2nd Pista Ng
Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa Aug. 15. Leading lady niya rito ang beauty queen-actress na si Winwyn Marquez.

Nang matanong kung totoong nag-propose na siya, “Hindi ko pa rin pwedeng sabihin. Basta sinabi ko naman, siya na yung forever ko, e. Kumbaga wala nang iba. Kumbaga bumubwelo na lang ako kung kelan.”

Read more...