Inday Sara nagpaka-fan girl nang makita si Mega

NAGPAKA-FAN girl si Davao City Mayor Sara Duterte nang magkita sila muli ni Megastar Sharon Cuneta kamakailan. Nag-dinner ang dalawa bago maganap ang 40th anniversary concert ng Megastar sa Davao last weekend.

“My very first cassette tape was a Sharon Cuneta album,” ang maikling caption ni Mayor Sara sa ipinost niyang photo nila ni Mega sa Instagram matapos silang magkita at mag-dinner.

Dumalaw din si Sharon sa House of Hope roon para pasayahin ang mga kabataang may karamdaman.

Balitang naging emosyonal daw si Mega nang makita ang kundisyon ng mga bagets doon.

Read more...