DATI’Y mga artista lang ang nakakaagaw ng atensiyon ng mga kababaihan at mga becki, solong-solo nila ang atensiyon, pero ngayon ay may mga kaagawan na sila.
Nandiyan na ang mga basketball players na parang mga artista na rin ang dating, lalo na ang mga kilalang players ng kanilang team, wala nang ipinagkaiba sa mga artista ang nakukuha nilang paghanga.
Kuwento ng aming source, “Saka magagaling na rin silang makisabay sa agos, meron na ring mga players na nakikipag-goody-goody sa mga becki. Marami na sila.
“Lumawak nga ang mundo ngayon ng isang Boogie Wonderland, dati kasi, e, mga artista lang ang inilalambing sa kanya ng madadatung na becki, pero ngayon, nasa listahan na rin nila ang mga basketball players.
“Mismo! May mga kuwento nang lumalabas ngayon na si ganito at ganyang player, e, gumagawa na rin ng milagrong sideline. Alam na!
“Sa una, e, pakikipagkaibigan lang ang drama, pero nu’ng magtagal na, e, iba na. Ang isang basketball plyer na suki dati ng mga Boogie Wonderland, e, ‘yung naging controversial ang buhay at career. Na-headline siya, nambubugbog ng karelasyon niya, di ba?
“Palaging nangangailangan ang player na ‘yun, kasi nga, e, meron din siyang pinagkakaabalahang bisyo na malaking pera ang palaging kailangan niya! Ayun, ano ang nangyari sa kanya?
“Wala na siyang career! Siya mismo ang sumira sa napakagandang basketball career niya. Wala na rin siyang karelasyon, nganga siya ngayong mag-isa!” simulang chika ng aming source.
May mga baguhang players na tinututukan ngayon ang mga becki, mga bagong mukha sa professional league, isang bagito siya na galing sa isang sikat na sosyaling kolehiyo.
“Naku, siya ang sinusundan-sundan ngayon ng isang kilalang becki sa showbiz, pero mukhang malalaos ang charisma ng lola n’yo, dahil bantay-sarado ng girlfriend niya ang dribolero!
“Walang magagawang milagro ang magagarbong shoes na ipinangreregalo palagi ng becki sa mga natataypan niyang players, mayaman din kasi ang player na itey, hindi siya nangangailangan ng mga shoes na galing sa mga nagpapanggap na kaibigan lang pero iba naman pala ang pakay sa kanya.
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong mauupo kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan kahit pa sabihin namin na gray ang paboritong color ng sumisikat na basketball player!” pagtatapos na chika ng aming impormante.