Ai Ai, Jose, Wally, Marian may rambulan sa Sunday PinaSaya

SA tatlong taong pamamayagpag ng number one Sunday noontime habit ng mga Pinoy na Sunday PinaSaya, kakaibang experience at pasabog na performances ang naghihintay sa mga Kapuso viewers ngayong tanghali, Agosto 5.

Ayon kay GMA First Vice-President for Program Management Joey Abacan, ang tagumpay ng SPS ay maiuugnay sa matibay na pagkakaibigan ng mga host, management at staff ng programa.

“Believe it or not, the show that makes people laugh and entertained every Sunday is a product of the joy of the beautiful working relationship of the people on and off the camera. Nahahalata sa produkto na maligaya sila sa ginagawa nila. I also believe that there is commanded blessing in harmony, kaya nakaka-tatlong taon na tayo,” pahayag ni Abacan.

Bilang bahagi ng kanilang engrandeng selebrasyong may temang “Samahang Puno Ng Saya,” hinati sa apat na grupo ang mga miyembro ng cast na pinangungunahan nina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Tinatawag na “SPS Kasaya Showcase,” sariling sikap ng bawat grupo ang bawat performances nila, “We want to show to our viewers the chemistry and friendship among the cast on and off camera,” dagdag ni Rams David, Supervising Producer ng Sunday PinaSaya.

Sa Team Ai Ai, makakasama niya sina Kyline Alcantara, Kim Last, Lovely Abella, Jerald Napoles at Barbie Forteza.

Samantala, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Boobsie, Joey Paras at Julie Anne San Jose ang mga miyembro ng Team Jose.

Si Wally naman ang mangunguna sa team nina Andre Paras, Gladys Guevarra, Taki Saito, Valeen Montenegro at Alden Richards.

Bubuuin naman nina Jak Roberto, Pekto Nacua, Justin Dimandal, Ryzza Mae Dizon at Ruru Madrid ang Team Marian.

Abangan ang anniversary episode ng Sunday PinaSaya ngayong tanghali sa GMA lang.

Read more...