Vice affected sa topless photo ni Kristoffer Martin

INULAN ng tukso ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin matapos siyang mag-post ng kanyang topless photo sa Instagram.

Makikita si Kristoffer sa nasabing litrato na nakahubad at nakasandal sa sofa, ito’y para raw sa kanyang ineendorsong salon.

Kasunod nito ay ang mga nakakatuwang mensahe ng kanyang mga followers, kabilang na riyan ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Biro ng TV host-comedian sa Kapuso actor, “Salon b ineendorse mo o motel?” Na sinagot naman ni Kristoffer ng, “@praybeytbenjamin Salon sa loob ng motel? HAHAHA!”

Ilan pa sa mga nanukso sa binatang aktor ay ang mga kaibigan niyang sina Derrick Monasterio, Mikoy Morales, Juancho Trivino, Paul Salas at ang Hashtags member na si Vito Marquez.

Read more...