Challenge: Paano gagampanan ni Mocha ang role ng reporter sa pelikula ni Cesar?

OFF-TRACK para sa amin ang depensa ni PCOO ASec Mocha Uson who’s proudly cast in an advocacy film with a Hollywood actor in it at ididirek ni Cesar Montano.

Papel ng news reporter ang ginagampanan ni Mocha. Atom Araullo lang ang peg who recently starred in a controversial film by Mike de Leon, magkaiba nga lang ng tema.

Bashers’ favorite si Mocha dahil sa kanyang role. Anong credence nga naman ang kanyang maibibigay sa nasabing papel gayong isa siyang purveyor of fake news?

Dapat sa argument na ito sumentro si Mocha. But she chose a route na malayo kumbaga sa nais niyang puntahan.

Aniya, libre raw ang kanyang serbisyo sa pelikula. Wala ni isang kusing ang mula sa kabang-yaman ng gobyerno. Hindi rin daw siya nag-shoot sa oras ng kanyang trabaho.

Hindi ito ang inaasahan naming magiging line of defense niya. Problema na niya ‘yon kung hindi siya nagpabayad.

Ano ‘ika niya, hindi pera ng gobyerno ang ginastos sa filming? Eh, paano naman ‘yung anomalyang nakalkal ng COA committed sa ahensiyang pinamumunuan nila ni Sec. Martin Andanar, bakit hindi ‘yon ang ipaliwanag niya?

Siyempre, gasino nga lang naman ang TF niya sa movie, malayung-malayo ‘yon sa P1.2 million plus na sinahod niya mula nitong May lang, gayong ewan kung sulit ang halagang ‘yon katumbas ng inaasahang serbisyo niya.

Oo naman, Mocha shouldn’t use her office time sa isang trabaho outside her official duties.

At kung 9 a.m. to 5 p.m. ang karaniwang office hours, so lumalabas na puro gabi ang shooting days niya?

We were expecting a rather intelligent answer from her bilang pagtatanggol sa role na ini-assign sa kanya. A little bit of humility sana considering na hindi naman talaga siya isang artistang umaarte sa harap ng camera.

Kunsabagay, challenging ang role na reporter para kay Mocha. Offbeat, ‘ika nga, dahil hindi naman siya ‘yon that she will have to slip into a character na malayo sa kanyang pagkatao at trabaho.

One more thing, bakit sa tuwing may mga namba-bash sa kanya’y lagi niyang pinagdidiskitahan ang mga Dilawan? How damn sure si Mocha that’s she’s pleasing all her fellow DDS? Wala ba ni isa man lang doon ang hindi bilib sa kanyang mga pinaggagagawa?

Hate can be color-coded na pala in this day and age.

Read more...