JC sa mga nganga tuwing Feb. 14: Magbakasyon sa malayo!

HINDI pa rin makalimutan ni JC Santos ang kanyang Fidel character sa “100 Tula Para Kay Stella.”

“Ako gusto ko sequel. Sa tingin ko lang, ha, masyado akong na-involve sa character ko.
“Gusto ko malaman ang love life niya pagkatapos. Ang sakit-sakit kasi. Hindi ako maka-move on,” say ni JC sa presscon ng reunion movie niya with Bela Padilla na “The Day After Valentine’s” na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

He said in the presscon na mas mature ang character niyang si Kai sa movie.

“Mas okay ako sa ganitong kahihirap na character. Mas masarap kasing himayin ang mga ganito, mas masarap paglaruan, mas marami kang matututunan, mas marami kang itatanong. And I love that,” he said.

When asked kung naranasan na ba niyang mag- celebrate ng Valentine’s Day after ng Araw ng mga Puso, he said, “It’s a celebration of love and harmony tapos ise-celebrate mo after?”
Eh ano naman ang gagawin niya kung wala siyang love life during Valentine’s Day?

“Magbakasyon ka sa malayo,” he quipped.

Read more...