Pop Talk 7 taon na; rarampa sa Coron, Palawan

PITONG taon na ang GMA News TV lifestyle show na Pop Talk at ngayong gabi rin, lilipad ang programa sa Coron, Palawan.

Dito sa tinaguriang “one of the best islands in the world”, maghahanap si Pop Talk host Tonipet Gaba ng tatlong “places to stay” na puwedeng subukan ng buong pamilya at barkada sa kanilang susunod na bakasyon.

Alin kaya sa mga ito ang “pop” o “flop”? Ang mga isasalang sa review ay ang: Corto Del Mar Hotel, Sunlight Guest Hotel, at Coron Soleil Garden Resort. Makakasama ni Tonipet sa pagre-review ang travel blogger na si Jonai Republica ng wanderwalkers.com; ang travel blogger, landscape artist, at wedding photographer na si Raff Astor; at ang head of Business Planning and Customer Relations ng Travelbook na si John Ray Lomugdang.

Huwag palampasin ang Pop Talk: Coron Places to Stay ngayong Sabado, 8 p.m. sa GMA News TV.

Read more...