Ryan absent lagi sa Bulaga; nagkaproblema raw habang ipinagagamot ang knee injury

RYAN Agoncillo has to focus on his medical therapy kaya pahi-nga muna siya sa pagtatrabaho. This is also the reason kung bakit wala siya lagi sa isang noontime show.

According to his wife Judy Ann Santos, kailangan ni Ryan ng complete bed rest para sa healing process ng tinamo niyang injury after ma-involve sa isang motorcycle accident late last year. Hindi pa kasi fully healed ang kanyang tuhod.

Posible raw kasing lumala ang knee injury ni Ryan kung patuloy niyang papagurin ang kanyang paa. Aside from this na-discover ng mga doktor na mabagal ang paggaling ng tuhod ng TV host-comedian that’s why he was advised by his doctors to rest for a while.

Sa kanyang Instagram account, Ryan posted a message about a person na kanyang nirerespeto.
“Someone I have the utmost respect for once told me, ‘Sometimes we have to press the pause button to heal everything, may it be a broken knee or a wounded soul.’

“’Get up and run (or bike in your case). Keep that strong spirit going sabay shot ng whisky.’

“This brought me to tears. I am really grateful for these words my friend. Truly. #storiesforlucho,” ang caption ni Ryan sa kanyang IG photo.

Sa lahat naman ng nagtatanong tungkol sa kundisyon ngayon ng TV host, Juday assured na okay naman ang kanyang asawa and asked her followers and supporters of her husband na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng kanyang asawa.

Read more...