Tsong Joey may pakiusap kay Winwyn: Huwag muna sana siyang mag-asawa! | Bandera

Tsong Joey may pakiusap kay Winwyn: Huwag muna sana siyang mag-asawa!

Jun Nardo |August 04,2018
facebook
share this

Tsong Joey may pakiusap kay Winwyn: Huwag muna sana siyang mag-asawa!

Jun Nardo - August 04, 2018 - 12:05 AM

HADLANG ang network war para mapanood sa TV ang husay sa pagsasayaw nina Vhong Navarro at Winwyn Marquez.

Silang dalawa ang magkapareha sa bagong Regal Films movie na “Unli Life” pero hanggang sa big screen at mall shows lang mapapanood ng publiko ang angkin nilang husay sa paghataw.

Unang pelikula ng 2017 Miss Reina Hispanico Americano ang “Unli Life” although ilang beses na siyang isinalang sa mga serye ng GMA kung saan siya nakakontrata. Natatatawa na lang siya nu’ng naaalala niya ang panahong bata pa siya’t pinanonood ang dance group na Streetboys kung saan member si Vhong.

“Ngayon, heto na si Vhong, kapareha ko pa! Ha! Ha! Ha! Masaya, masaya ako na ‘yung iniidolo ko sa sayawan eh, leading man ko na!” bulalas ni Winwyn sa presscon ng “Unli Life.”

Ang panalo pa sa unang pelikula ng beauty queen-actress, kasama rin niya ang father niyang si Joey Marquez.

‘Yun nga lang, tikom ang bibig ni Wyn kung may eksena silang mag-ama na magaling din sa pagpapatawa.

Pero kahit proud si Tsong Joey sa achievements ng anak, ayaw pa niya itong mag-asawa. Pero suportado naman daw niya ang relasyon nito kay Mark Herras.

“Huwag muna!” deklara ni Joey. Although masaya na siya sa achievements ni Wyn, gusto pa rin niyang maging successful ang anak sa larangang gustong pasukin bago tuluyang lumagay sa tahimik.

Ang “Unli Life” ay isa entries sa upcoming Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018 na magsisimula
sa Aug. 15.

Bukod sa nasabing movie, kasama rin si Wyn sa bagong Kapuso series na Pamilya Roces.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending