Kris ibabandera ang bonggang Filipiniana gowns sa Hollywood

KRIS AQUINO

KAHAPON bago mag-alas dose nang tanghali ay nakarating na si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby with KCA Team sa Los Angeles, California, USA.

Mensahe ni Kris, “We just safely landed. I slept straight but grabe the turbulence raw.”

Mabuti na ring tulog si Kris habang nasa biyahe dahil kung gising siya, malamang inatake siya ng nerbyos dahil sa matinding turbulence at maging dahilan pa para tumaas ang blood pressure niya.

Kaya naman fresh na fresh siya pagdating niya kahapon sa US para dumalo sa Hollywood red carpet premiere ng “Crazy Rich Asians”.

Dagdag pa niya, inabot daw ng isang oras ang pila nila sa Immigration. Habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pang pino-post na update si Kris sa kanyang Instagram account tungkol sa mga kaganapan doon.

Samantala, ipinasilip na rin ni Kris sa kanyang followers ang mga Filipiniana gown na pagpipilian niya para isuot sa red carpet premiere ng “CRA”.

Read more...