DEAR Beth,
Nakakahiya man na sa edad kong ito na 60, ay gusto ko pa rin sanang makatagpo ng isang lalaking totoo na makasama ko habambuhay.
Mangyari pa kaya ito?
Tawagin mo nalang akong Miss Sagitarrius, 60 years old at dalaga pa at di pa nagkaroon ng boyfriend simulat simula. Taga Midsayap po ako at malapit na akong mag-retire bilang guro
Unang una, ateng, sana maintindihan mo na hindi ko alam kung mangyayari pa yang gusto mo, kasi ateng hindi ako manghuhula. Hahaha!
Hindi ko alam ang future mo at lalo namang hindi ako match maker na makakahanap ng ipapares sa iyo.
Pangalawa, ateng umabot ka na sa ganyang edad. I assume accomplished ka nang guro at career woman.
So kaysa magmukmok ka sa kaisipang makakahanap ka pa ng lalaking makakapagpasaya sa iyo, maging masaya ka na lang!
Siguro naman may mga kaibigan ka at kamag anak na pwede mong makasama sa mga susunod na buwan, mag road trip kayo, mag food trip kaya.
Uso naman ang mga reunion ngayon, e di magpa reunion ka. Reunion nung high school kayo, reunion nung college, reunion ng mga nakasakay mo sa jeep nung isang buwan. Hahaha!
I understand na for 60 years nabuhay ka ng may kasama, may estudyante at may araw araw na ginagawa.
So for the next 60 years i-spend mo naman ng mag eenjoy ka at ang sarili mo lang. tumawa at “magwala” ka! Magsama ka ng mga mas bata sa yo at mag enjoy sa klase ng enjoyment nila. Malay mo mag enjoy ka rin.
At dahil teacher ka naman e di maggawa ka ng grupo ng mga kababaihan at mga nanay na na pwede nyong igrupo at mag project ng kung ano.
The point is nasa sa iyo ang susi kung paano ka magiging masaya sa mga susunod pang araw ng buhay mo.
Wag lang sa lalaki hanapin yun kasi baka hindi mo makita ang saya na hinahanap mo. Wag mo ituon ang isip mo sa relasyon lang, gayong am sure marami kang pang ibang relasyon sa paligid mo na mas magandang i-cultivate.
May tanong ka ba tungkol sa iyong pakikipagrelasyon, problema sa mga anak o magulang, pag-aaral o pinansiyal? Maaaring sumulat inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.