Xander Ford viral uli: Pagod na pagod na ‘ko talaga , gusto ko nang mamatay!

XANDER FORD

“Pagod na pagod na ako, gusto ko nang mamatay!” Ito ang bahagi ng mga hugot ng internet sensation at social media star na si Xander Ford.

Viral na ang video ni Xander na unang in-upload sa YouTube ng The Pinoy Channel. Dito ibinandera ng binata ang kanyang sama ng loob sa mga taong patuloy na nanlalait at bumabatikos sa kanya.

Aniya sa isang bahagi ng video na tila kuha habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan, “Ampangit ng tingin ko, pero feeling ko ang liit ng tingin ko dahil sa kanila. Kasi alam mo yun…lahat ginawa ko na.

Pagod na pagod na pagod na pagod na ako.”

Isang kaibigan din ni Xander ang humarap sa camera at nagsabing, “Kay Xander kasi, pagod na siya sa panglalait niyo. Pagod na siya sa pang-iinis niyo. Sawang-sawa na siya, pagod na pagod na siya sa lahat.

Kahit ako naawa na ako sa kanya, e. Lagi kami magkasama nito, e.

“Bakit naman kasi kailangan niyo husgahan ang isang tao, pero hindi niyo pa naman nakakasama, di ba?

Sawang-sawa na siya sa buhay niya dahil sa inyo. Dahil sa mga panglalait niyo, sa mga ginagawa niyo sa kanya.”

Singit naman naman ni Xander, “Buti pa yung ibang tao kasi minamahal ka, e. Hindi katulad dati na kahit ganito lang tayo, seryoso tayo na… ngayon di tayo nirerespeto ng ibang tao, ng ibang babae. Ang tingin lang nila sa atin, walang kuwentang tao.”

At sa huli nga sinabi niyang gusto na niyang mamatay.

Nakilala si Xander matapos lumabas magparetoke ng kanyang mukha.

Read more...