Ronnie Alonte, Loisa Andalio hindi nagpatalo sa mga tsismosa

RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO

O, DI ba, hindi man lang inabot ng one week ang “cool-off” status nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Very reliable nga ang source na kausap natin last weekend na nagsabing nu’ng magkita ang dalawa sa isang event after pumutok ang balitang nagkakalabuan sila, ay nagkaroon sila ng chance na makapag-usap.

And last Monday, may nagpadala sa amin ng kanilang pictures together na magka-holding hands pa. At may bonus pang photo kung saan makikita si Ronnie na yakap sa leeg si Loisa, habang hinahalikan ang dalaga sa pisngi.

Kayo na po ang bahalang humusga kung ano ba talaga ang trip sa buhay ng dalawang bagets na ito dahil kung kami ang tatanungin, bahagi lamang ito ng kanilang mga kalokahan sa pagiging in love.

Pero ang mahalaga rito ay hindi nagpatalo ang magdyowa sa mga tsismosa at intrigang ibinabato sa kanila.

Read more...