Kilalang male celeb namigay ng concert tickets sa magagandang babae, pero sa isang kundisyon…

Yayamanin talaga ang peg nitong sikat na personalidad na balitang ilang araw namalagi sa isang sosyal na hotel.

Ang rason? Yun ang ginawa niyang “tagpuan” at “ticket booth” para sa magagandang babae na kanyang inilibre sa isang bonggang concert that featured a world-renowned singer na nag-show sa bansa kamakailan.

Yes! Exclusive for ladies lang daw ang mga tickets na kanyang ipinamigay (hindi kaya co-producer din siya ng concert?) sa mga magagandang girls na naglambing sa kanya.

Ganito nga lang ang eksena, dapat ay mag-stay sa inupahang suite ni sikat na personalidad ang mga babaeng inilibre niya para makapag-bonding sila nang bongga.

Meron daw three hours na nag-stay sa room ng personalidad at meron ding nag-overnight lalo pa’t two night-show pala ang concert ng international artist.

Party, party! Kainan, inuman at umaatikabong kuwentuhan lang daw ang drama ng sikat na personalidad with the girls, pero siyempre, sa mga taong nakakakilala na sa kanya, alam nila kung ano talaga ang nangyari sa loob ng kanyang kwarto.

At sigurado raw sila na bukod sa libreng concert tickets, may iba pang “pakimkim” na natanggap ang mga babaeng naki-party sa kilalang celebrity lalo pa’t kilala itong super generous!

Hala! Kayo na po ang mag-imagine ng pinagagagawa nila sa hotel suite na naging piping-saksi sa mga kaganapan!

Read more...