Kumalat sa social media ang litrato at video nina Willie Revillame at Mayor Sara Duterte at marami ang nag-comment na ito na raw ang sign na papasukin na rin ng TV host-comedian ang politics.
Nauna nang naibalita na nililigawan daw ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo sa 2019 elections. Usap-usapan na baka raw tumakbong senador ang TV host next year. Pero may balita ring tatakbo bilang Mayor ng Quezon City ang komedyante.
Sa isang video na in-upload sa Facebook, makikitang nakikipag-usap si Willie kay Presidential Daughter and Davao City Mayor Sara Duterte. Naganap daw ang meeting ng dalawa sa executive lounge ng Quezon Cith Hall.
Sa ending ng video mababasa ang, “Pag-ibig. Pagmamahal. Pagmamalasakit sa bawat Pilipino.” Ang caption naman na nakalagay sa video ay, “Duterte. Revillame.”