Netizens nagreklamo sa signal interruption habang umeere ang fantasy series ni Alden

ALDEN RICHARDS

NAGLABASAN ang reklamo ng ilang netizens sa Twitter dahil sa signal interruptions nu’ng first two days telecast ng Victor Magtanggol (July 3 and 31).

Bwisit na bwisit sila sa pangyayari kaya naglabas sila ng kanilang hinaing sa social media, bakit dawnataon pa sa airing ng VM ang signal interruptions.

May kumalat pang screen grab sa socmed ng tweet ng Sky Cable tungkol sa naging problema sa kanilang cable connection.

“Our apologies to the inconvenience. We’ve already made a follow-up to the engineering department. Please keep your lines open. Thank you,” nakasaad sa Twitter ng Sky Cable ang @SKYServes.

Kaso, kinilatis ng ilang netizens ang nasabing tweet. Aba, ang date na nakalagay sa post ay “3/23/17 4:19AM.”

So luma na pala ang tweet. Template na lang bale ‘yon ng standard na sagot sa tuwing may nagrereklamo na subscribers, huh!

Paanong maniniwala ang mga tao sa apology na ‘yon eh luma na pala at copy paste lang. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakukuhang official statement mula sa nasabing cable company.

Bukas ang pahinang ito para sa explanation ng SC.

Naku, are we expecting more cable signal interruptions once magsunud-sunod na ang pasabog sa Victor Magtaggol ng GMA!?

Read more...